Sabado, Enero 15, 2011

Libre lang Mangarap~

Magandang Araw at Gabi  sainyo aking mga tagasubaybay *kung meron man! haha*
heto nanaman po ako mag hahatid sainyo ng storya mula sa aking utak na maliit ngunit may malawak na imahinasyon at sa blog na ito,ishashare ko sainyo ang iba't iba kong pangarap simula noong ako'y musmos
at ngayon ako ay malapit ng tumapak sa  universidad *kung maka graduate lang naman!*
ang mga isusulat ko dito ay walang halong biro lahat yun ay pumasok sa kokote ko :) kay dami kong pangarap hindi kakasya ang  10 page ng yellowpad  back to back pa kung isulat ko ito.
kaya tara na at simulan natin i enjoy nalang natin...

Noong Musmos palang ako Elementary days sa paaralan ng Sta.Quiteria Elementary School ng lungsod ng Caloocan :) tapat mismo ng simbahan ng Sta.Quiteria xD
Ang gusto ko pag laki ko *kung lalaki man ako!* ay.. maging  DOCTOR..
yeah Doctor!,gusto ko mag pagaling ng mga tao.. yung mga mahihirap  yung makikita ko sa mga gilid gilid ng kalsada ng Quiapo tuwing napapadpad kami ng Papa ko dun kay rami ko nakikitang batang musmos
at nakakaawa sila minsan kung maka ubo pa yung bata halos tangal na baga..
Quiapo Kids 
Gusto ko din maging isang Pilotong madalas lumipad.. 
"a different country every night"
gusto kong mag travel sa buong mundo gusto ko marating
lalo na ang Japan,Korea,Paris
at Jerusalem at Rome dahil marami ako katanungan sa pagiging katoliko

SNSD Yoona -Genie Outfit-
Hindi lang Travel ang gusto ko noong bata ako Mahilig din ako tumingin tingin sa mga Magagarang bahay sa mga Subdivision at pangarap ko din maging Architect gusto kong gumawa ng aking bahay na napaka laki
mala mansion ang dating at Gothic style house at modern house sa bandang Alabang para maraming pag gimikan :D 
Gothic house
Masyado yatang malabo maging Architect ako dahil di ako marunung mag drawing ng bahay :))
pero gusto ko talaga magkaroon ng Magarang Bahay na maanyayaan ang kapwa Abogado ko at marelax sila sa napakalambot at magarbo kong Sofa. Gusto ko din maging Abogado para mapagtangol ko ang kapwa tao kong na-alipusta,nagahasa,minaltrato at iba pa.. Hindi lang pala pagiging Abogado*abogada?! what evur!*
ang gusto ko,Gusto rin Maging Pangulo ng Pilipinas para matulungan ang sambayanan at mapaunlad ito kung sino man ang lalabag at sisira sa pilipinas papatawan ko ng habang buhay na pagkakakulong at ipapairal ko ang linyang "AKO ANG BOSS NYO!" mala Marcos kung tignan pero umunlad tayo noong panahon ni Marcos *sabi ni AP BOOK!* kaso lang nasobrahan kaya Saktohan lang ang pamamalakad ko kung sakali

Gusto ko rin maging HISTORIAN interesado kasi ako sa mga buhay-buhay ng ibang tao tulad ni Dr.Jose Rizal na siniyasat ko mismo ang buhay niya gamit ang www.wikipedia.com at natuklasan kong uso na pala ang..
PlayBoy/ChikBoy 
Sabi ni Wikipedia marami daw Chiks si Rizal kahit na 4'9 lang ang tangkad Chikmagnet 
at siguro sa kanya nagmana ang karamihan "Basta Pinoy,CHIKBOY" daw

Lumipas ang Maraming Taon Ngayon ako ay Graduating Student na may nadagdag nanamn sa pangarap ko.
Ngayon naman gusto ko maging PHOTOGRAPHER at the sametime MODEL na rin kahit wala sa mukha
oha!!..Photographer+Model+Cosplay=Rin

Gusto ko din maging dalubhasa sa pag eedit simple lang naman siguro maging GRAPHIC DESIGNER
tyaga at Imagination lang ang limit kasama si Pareng Adobe Photoshop makakamit ko na maging Graphic Designer kaso gusto ko pa mas lumevel pa ang kung ano mang nalalaman ko.

Gusto ko din maging Advertiser gusto ko iadvertise ang bansa natin,balak ko mag street shoot sa mga
tourist spot at anyayaan ang ating mga kapitbahay sa mundo para pumunta sa ating bansa

Speaking of pag aadvertise gusto ko din gumawa ng sariling Commercial tulad ng sikat na Tugstugstugs
interesado din ako maging FILM MAKER at MANUNULAT/WRITER
gusto kong gumawa ng isang Movie na magpapaluha ng madlang people.

At sa dinami-dami ng pangarap ko,Hindi parin mabura sa utak ko ang una kong pangarap
yun ang pagiging doctor gusto ko parin maging Doctor pero dalubhasa sa pag aalaga
ng ating puso at gamutin ito *hindi po ako adviser ng mga Broken Heart o Shota/Panakip butas ng bayan*
kundi gusto ko maging CARDIOLOGIST

Ang Dami ko palang pangarap no? di ko nahalata haba na pala :) sarap kasi mangarap
di naman bawal eh.. sabi nga ng Kamikazee

Libre lang mangarap 
Walang hanggan na pag-hiling 
Libre lang mangarap 
Managinip ka habang gising 

At alam ko makakamit ko ang Pangarap ko kung mag aaral ako so Gabi na at sa lunes exam na namin
kelangan ko na mag review ng mahatak paitaas ang grades ko baka tumagilid pa ang chance ko makapasok sa isang State univ. ng pilipinas para maging Fine Arts Major in Advertising Student
:p bago ko man ito tapusin isang banat muna ang iiwan ko..

Girl:anong pangarap mo?
Boy:simple lang IKAW!..
XD~ kayo anong pangarap nyo?





Biyernes, Enero 7, 2011

Thank God,It's Friday!

 "Thank God ,It's Friday!"

Pahinga from Lessons nanaman pero tadtad naman ng pasakit sa panahon na dapat tayo'y nag papahinga
ang mga pasakit na iyon ay tinatawag nating "Projects or Assignments" lalo na ngayon nalalapit nanaman
ang Examination day uso nanaman ang mag re-review kuno sa mga bahay~bahay ng kaklase pero ang totoo naman ay nag chichikahan lang tungkol sa Love life o kaya tatambay nalang sa Computer shop at mag sstart na mag laro ng DOTA, ganyan ang buhay studyante "palusot.com" lang ang review.
Gahh!!... halos kainin na ng Project making,sandamakmak na Assignment at Review ang week end
hindi tuloy ako makarelax pero ayos lang yun dlawang araw na ligtas sa ma-iingay na classmate at magagaliting guro ang masama lang sa week end ay walang baon XD!! *yun lang ehh!~*
buhay studyante nga naman ang hirap lalo na pag isa kang Graduating student na tatamad-tamad sa nakaraang quarter at kailangan hatakin pataas ang grade kahit  inaatake ka ng  "katamaran",kailangan daw kasi requirement para sa college kaya kahit ano papatusin na mapataas lang grade.. 
solve naman pag makapasa ka sa Unibersidad na gusto mong pasukan me libreng "eyebag at tigyawat" pa..
sarap mag aral hindi lang Mataas na grade makukuha mo makakakuha ka pa ng Stress at sakit ng ulo pag nasobrahan sa aral nakakabaliw yun!,kaya kailangan din naman natin mag libang..
mag libang YEAH!.. wag lang masobrahan :) 

*******

Tatapusin ko muna po ito :] at mag re-research para sa aming gagawing shooting para sa Movie Documentary na Project namin sa Computer IV


Lunes, Enero 3, 2011

No Ballpen ,No Future


sandata ng kinabukasan

Ang Ballpen ay mahalaga sa buhay ng tao lalo na kung ikaw ay studyante kelangan mo na ng ballpen ngayon palang...dahil~>

Pag walang Ballpen,walang notes
pag walang notes,walang pag-aaralan
pag walang pag-aaralan,walang diploma
pag walang diploma,walang trabaho
pag walang trabaho,walang pera
pag walang pera,walang pagkain
pag walang pagkain,magugutom
pag nagutom,papayat
pag pumayat,papangit
pag pumangit,walang shota
pag walang shota,walang asawa
pag walang asawa,walang anak
pag walang anak madidipres
pag madipres,magkakasakit
pag nagkasakit,mamatay ka na
pag namatay ka,wala ka na
*bow*
so alam mo na kung bakit kailangan natin ng ballpen?
mahalaga talaga ang ballpen maraming paraan para magkaroon ng ballpen 
pero ang mas sikat ang lalapit ka sa malapit na classmate sabay banat ng "may Extra Ballpen ka pa?, Pahiram".
paraparaan lang yan.. ako sayo bibili na ako o mang aarbor, bago mahuli ang lahat..
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
So..pano ba yan OUT muna ako bibili pa ako ng sandata ng kinabukasan a.k.a ballpen sa malapit na tindahan




Linggo, Enero 2, 2011

Love!,Anong napala ko sa love?

LOVE!anong napala ko sa LOVE?
Yan ang tanong ko bawat araw na lumilipas nabuhay ako simula ng nag wakas ang una kong maranasan ang tamis ng pag-ibig NOON..,Ngayon Pait na pala..ramdam ko ang kabitteran ko ngayon,kaya naisipan ko
iBlog tong kabitteran ko malay natin Bukas makalawa "BETTER" na

mahiwagang tanong para sakin kung ano napala ko sa love..
Oo,may napala ako hindi lang Eyebag na sanhi ng hindi pagtulog sa gabi sa kakaisip sa minamahal
Pimples na dala ng pagpupuyat at BROKEN HEART na nagpabago ng ugali ko..
masasabi nating Mabait ako *weeee kung ayaw mo maniwala,edi wag..* ngayon binawasan ko na naabuso siguro gawa ng masyadong pagtitiwala sa minamahal..,
naging EMOTIONAL lalo na kung naaalala ang flashback at nakaraan di naman naiiwasan maiyak paminsan
pero pilit ko parin tinatayo sarili ko..
Pero hindi lang naman puro Negative ang napala ko nung ako ay ma "BH" short for Broken Hearted..
Idinaan ko ang pagka bitter ko sa pag-aaral,ibinuhos ko ang oras ko sa pag-aaral ayon nag bunga naman ng maganda naging isa ako sa magigiting na mag-aaral actually masarap sa feeling ang magets mo ang lesson sa Math an sarap ng feeling pag pinupuri ka ng guro ganon pala yun..
Isa pa sa napala ko ang mga BESTFRIEND ko :) may panahon na ulit ako makipag usap at makipag kulitan ng walang inaalalang mag seselos,Madami ako naging "Best Friend" at lahat sila tinutulungan ako makabangon
masaya ako pag kasama sila nalilimutan ko pait ng nakaraan pero minsan di parin maiwasan na maaalala ko...,
heto naman sila todo cheer up at sermon "MOVE ON!" yan ang lagi nilang sinasabi...
MOVE ON!? parang mahirap gawin..pero sa tingin ko kung gusto ko naman diba magagawa ko at
alam kong kaya ko yun.. Magagawa ko yun sa takdang panahon na kaya ko naharapin ang katotohanan na "PAST IS PAST"..
well ayan yung napala ko sa LOVE eh ikaw? ano napala mo sa LOVE?

----------------------------------
tatapusin ko muna to at nagdadakdak na ang aking Ama matulog na raw ako at may pasok pa! 
:) pasensya na kung nagdrama sadyang makuwento lang ako ehh
hangang sa muli... paaaaalamm!
 
 









Biyernes, Nobyembre 5, 2010

IMBA means...

Ano nga ba ang meaning ng IMBA?
san ito nagmula?..
bakit hindi natatapos ang araw  ko ng hindi ko naririnig at nababangit ang salitang "Imba!"
Alamin natin kung ano nga ba ang IMBA!